ingat,
April 9, 20094.30 pm. afterschool. sumakay ako ng bus. may isang stranghero ang bumati sakin. ako naman walang kaalam alam sa mangyayari binati ko rin sya ng hi. may kutob akong may masamang mangyayari.weirdo sya kaya dasal ko naman sana wag syang lumapit sana hindi nya ko kausapin pa. natutulog ata ang Diyos at di nya nadinig ang dasal ko. umupo sya ng medyo malapit sakin. sinabihan nya ko ng magagandang bagay. nagulat nga ko ng bigla nya kong kinantahan. sabi nya ang ganda ko daw tapos tuturuan nya ko mag sayaw. basta mag suot lng daw ako ng maikli. tungo nlng ako. ang daldal nya, ayoko na syang kausapin pero tuloy parin sya. nabwibwisit ako ang layo pa ng bahay na tinutuluyan ko. napansin nya na hindi ko na sya pinapansin. hinila nya ang mga kamay ko at hinawakan sa lugar na pribado.sumigaw ako. sabi nya halikan ko daw sya. asa naman sya! sumigaw ako ulit buti nlng natakot sya na mahuli ng driver. bumaba agad sya ng bus.naiwan ako dun sa loob ng bus. kasama ang mga taong wlang pake sa paligid nila. ang sakit pala pag kasama mo mga taong wlang pake sayo. u muwe ako ng umiiyak buti nlng wla pa ang magulang ko.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


