para sa mga rapper.
June 29, 2009mga hibang dumudura ng mga salitang walang kakwenta kwenta
ayos na sana mabilis mabangis ang mga katangang lumalabas sa inyong bibig na nagsasabing silay magaling malupit at walang makakadungis ng pangalan ng inyong grupo. wala kayong karangalan lagi kayong nagsisiraan nagmumurahan. na para bang animal na handang makipagpatayan para lang sa kapirasong kasikatan.
ang rap karamihan ay puro kababuyan tungkol sa mga kababaihan. mga huwad nag hahangad ng respeto pero ang turing sa kapwa nyo higit pa sa isang insikto. akala mo kung sinong dakilang magaling magmayabang experto daw sya sa pagbugbog ng mga kalaban na walang alam na katulad nilang naghahari harian sa mundo ng hiphop na dati ay tungkol sa tugtog binago ng panahon naging istilong gago pahabaan ng sanaysay ng mga nakakasakit na salita na wlang katuturan. parepareho ang ibigsabihin iba ibang title nakakapunyeta pwede bang palitan na. kung pwede lang sana alisin at burahin sa isipan ng mga kabataan ang mga narinig nilang rap na wala namang magandang mensahe kundi maging matapang sa ano? sa kanta lamang. mahal ko ang rap. wag patayin ang hiphop.ang aking lang hiling ay inyong baguhin ang lirikong madumi pwede paki linisin?
yung may silbe yung tipong may matututunan. yung karapatdapat PAKINGGAN.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


