naalala ko.
November 27, 2008haha may naalala lang ako. kasi ganito un. meron akong isang project. tapos kailangan syang tapusin sa loob ng isang araw. pag uwi ko na bahay syempre inuna ko na agad ang panonood ng tv. pag cocomputer at kung anu anu pang ka ek ekan. napansin ko aba alas 11 na pala tapos na alala ko yung project. edi kinabahan tapos medyo nag panic din ako. pero pag kalipas ng ilang minuto prang tumino na ulit ang isip ko at himala nag simula nadin ako sa project kong ito. 5 hrs ang ginugol ko para dito. pag katapos ginawa ko na ung hw ko sa math hayaan na khit mali basta tapos. biglang pumasok sa utak ko may biology hw papala ako dahil inaantok na ko pinabayaan ko nalang di gawin sa isip ko mangongopya nalang ako sa kaibagan ko bukas ng umaga. edi anu na sobrang antok na ko nun pero nakaya ko parin itabi ang project ko sa lugar na hindi ito magugusot.kinaumagahan medyo late ako nagising kaya binilisan ko na gawin ang lahat ng bagay. nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin bago pumasok. tapos sumakay na ko sa chikot . nagsimula na ang journey ko papunta sa school nasa kalahati na kami ng maalala ko naiwan ko pala ang project ko!! kayamot di bah? sa utak ko kusto ko na mag wala pero di ko ginawa kasi di bah para naman akong tanga pag ginawa ko un. buti nalang tinanong ko ung teacher namin sabi nya ok lng daw khit next week ko pa ipasa. sana wag ko na itong makalimutan dalhin pa. ung bio hw hindi ako naka kopya pero nagawa ko naman sya nung umaga.


